Brown Rice At Wheat bread
Mayroon kasing nagtatae sa biglang paglipat sa brown rice Ang wheat bread naman ay mas masustansya kaysa sa white bread. May pagkakakulay kapae ang wheat bread at may kapitan ang lasa . Pero mas maganda ito para sa ating katawan.
Lamang Pagkain ng Prutas
Alam mo ba na ang pagkain ng maraming prutas at nakakataba? kahit na masasabi nating masustansya ang prutas at mayaman sa bitamina at fiber, huwag din sosobra sa pagkain nito.
May mga tao na mahilig sa mangga at nakakaubos ng isang mangga bawat kainan, kaya hindi kataka-taka na napakataba nila. kaya para mapanatili ang iyong diyeta, alamin natin ang tamang pagkain ng prutas.
TipNo 1 Magbawas sa mga Dried fruits.
Kumpara sa sariwamg prutas, ang mga pinatuyong prutas ay napakataas sa calories. Ang calories ang enerhiya o sustansya na ibinibigay ng isang pagkain sa ating katawan. kapag mas mataas ang calories, mas nakakataba ito. (Para lang may paghahambingan, ang isang tasang kanin ay 200calories.)Ang kalahating tasa ng raisin (mula sa tinuyo na grapes) ay may taglay na 219 calories. mas madami pa sa isang tasang kanin!ikumpara mo ito sa isang mansanas na may taglay lamang na 70 Calories.
Tip no 2:magbawas sa mga de-latang prutas
Ang mga de-latang prutas ay kadalasn nakababad sa matamis na syrup, at ito ang nagpapataba sa iyo, sa katunayan , mas mabuti ang natural na asukal ng prutas na kung tawagin ay fructose, kaysa sa white sugar o corn syrup na ginagamit sa mga syrup. kaya kung mahilig ka sa de-latang prutas (tulad ng fruit cocktail o peaches) kainin mo nalang ang pruitas at bawasan ang pag inom ng syrup nito.
Tip no 3. bawasan ang paglalagay ng asukal o syrup sa iyong fruit shake.
Isa sa pinakamasustansyang inumin ay ang paghalo ng mansanas at carrots sa isang fruit shake. panlaban ito sa kanser at puno pa ng bitamina ngunit sa paggawa ng fruit shake ay konti lang ang ilagay na asukal o syrup dahi puwede itong magdulot ng sakit na diabetes
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento