Sakit ng Ulo kailangan bang ipasuri sa doktor?


Ang sakit s ulo ang madalas ireklamo ng pasyente sa kanil;ang doktor. ang iba ay natatakot na baka kung ano na ang masamang sanhi nito. ngunit  huwag mangamba.Karamihan sa sakit ng ulo ay hindi delikado. una kung ang sakit ng ulo ay sumasabay sa pagbabasa ng diyaryo o pagtratrabaho sa harap ng computer. malamang may diprensya ang iyong mga mata. magpagawa ng salamin at magpatingin sa optometrist o Ophtalmologist. Pangalawa, kung labas pasok ka sa malamig at mainit na lugar, puwede din sumakit ang ulo. Hindi po ito masama. naninibago lang ang mga ugat natin. sa ulo  sa pagbabago ng temperatura. Pangatlo , kung ang sakit ng ulo ay gumiginhawa sa pagmamasahe ni misis, malamang ay strss o tensyon lang iyan Naninikip  kasi ang mga masel  (muscles) ng ulo natin kapag naii-stress. ang ibig sabihin  ay marami kang naiisip,  maraming problema at kulang sa budget, kaya sasakit talaga ang ulo. ang mga nabagit  ko na sanhi ng sakit ng ulo mula mats, sa pagbabago ng panahon at sa stress  ay puwede nang hindi ipa-check sa doktor. uminom ng paracetamol 500 mg tablet kung kinakailangan. Kailan dapat kumonsulta sa doktor? kapag matindi ang sakit ng ulo , kung may kasamang lagnat, pagsusuka o panghihina, isangggumi na sa doktor.  ipa check din ang blod pressure, kapag mataas sa 140/90, posible din na altapresyon ang dahilan ng pagsakit ng ulo.
Ang mga sakit na binabantayan ng doktor ay ang istrok at brain  tumor. ang sintomas nito ay ang panghihina o pamamanhid ng katawan ang migraine ay isang din pangkaraniwang dahilan  ng sakit ng ulo, malalaman mo na migraine iyan dahil kalahati lang ng ulo ang sumasakit,mefenamic acid  o aspirin ang puwedeng inumin sa migrained.
Ngayon alam mo na ang mga dahilan ng sakit ng ulo , makapagdesisyon ka na na kung kailangan magpacheck sa doktor. Goodluck po.

may lagnat ano dapat gawin? 
Pangkaraniwan sa isang tao na magkaroon ng paglalagant tatlong bese kada taon, kadakasan ay trangkaso, sipon . o ubo ang dahilan ang lagnat  ay sang pamamaraan  ng katawan para labanan ang impeksyon . kapag may lagnat, pumunta ang dugo mula sa mga ugat sa balat,  pagpasok sa mga organo ng katawan. dahil dito, mas napupuksa ang mga impeksyon.
Kung may lagnat heto ang mga dapat tandaan,
1. Siguraduhin na m,ay lagnat talaga. Nagbabago ang temperature natin depende sa ating gawain. Kung tayo'y bagong ehersisyo, puwedeng tumaas ang temperature natin, kapag mainit ang panahon at lalo na sa  hapon, mas mataas din ang ating temperature, ang tunay na may lagnat  ay ang temperature na lampas 37.8 degrees cetigrade.
2. Kung walang thermometer. Puwedeng gamitin ang balat sa likod ng ating kamay at ipatong sa noo. (Sa ,ay kamao pababa sa mga daliri) Kumpara sa ating palad.
3. Uminom ng8 hangang12 basong tubig o likido sa isang araw. pinakamagandang ang tubig lang, ngunit puwede rin uminom ng fruit juice. Ang pag inom ng tubig ay nakakapagpababa ng lagnat dahil inilalabas nito ang init ng katawan sa pamamagitan  sa pag ihi
4. Punasan ng basang tuwalya ang katawan. ang pag punas sa maiinit na parte ng katawan tulad ng singit, kili kili at leeg  ay nakakapag ginhawa sa may sakit. huwag basahin ang buong katawan kundi ilang parte lamang . kapag napunasan na ang katawan  ay puwedeng  huwag na itong tuyuin . Hayaan mong kusang mag-evaporate ang tubig para sumingaw ang init ng katawan,
5. Huwag magbalot ng kumot o jacker, kahit ikaw ay giniginaw(dahil sa pagtaas ng lagnat ), huwag magbalot  ng kumot dahil lalo lang tataas ang lagnat. magsuot lang ng damit na komportable.
6.Dapat ay hinid mainit o kulob ang iyong kuwarto . Kung may aircon o electric fan ay buksan ito. ang preskong hangin ay makakatulong sa pagdaloy ng oxygen.
7.Kumain ng sapat na msustanya . huwag maniwala sa kasabihan na dapat ay hindi ka kakain kapag may lagnat . kailangan ng katawan mo ang lakas para labanan ang sakit, Ang lugaw, prutas at  gulay ay mabuti sa katawan.
8. Puwedeng uminom ng paracetamol 500 Mg tablet bawat 4 na oras kapag mataas sa 38.5 degrees centigrade  Ang lagnat, kumunsolta sa doktor kung lampas sa 39 degrees ang iyong lagnat , o lampas na sa 3 araw ang lagnat.



Mga Komento

Kilalang Mga Post