Sanhi ng Tuyong Ubo (Dry cough)
Maraming tao ang may dry cough na lampas na sa 3 linggo. heti ang mgas pangkarniwang pinagmulan ng tuyong ubo:
1. Paninigarilyo.- ang sigarilyo parin ang pinakamadalas na dahilan ng matagalang pag uubo. Huminto sa paninigarilyo at umiwas sa lugar na mausok..
2Astma Cough- variant- may isang klaseng hika na pag uubo lang ang sintomas. walang huni (or wheezing) ang maririnig sa baga.Ang kondisyong ito at mga pollen (seeds) ng mga halaman para magamot ito, mga tableta at inhaler ang ibinibigay ng doktor Umiwas sa mga bagay na nagpapalala ng hika.
3.Post nasal drip mula sa allergies- Ito ang pagtulo ng sipon mula sa ilong patungo sa likod ng lalamunan, Dahil dito kumakati at naiirita ang lalamunan at kailangn mo itong i- ubo maraming dahilan ang post nasal drip tulad ng allergic rhinitis, chronic sinusitis at nasal polyp. nagbibigay ang mga doktor ng mga tableta para sa allergy, mga nasal sprays at minsan ay antibiotics din.
4. Gastoesophageal reflux disease (GERD) Ang sakit na ito ay dulot ng pag akyat ng asido ng tiyan (stomact acid) mula sa tiyan pataas sa esosphagus (ang daanan ng pagkain mula sa lalamunan patungo sa tiyan).Dahil sa asidong ito, naiirita ang esophagus at napapaubo ang pasyente.May gamot na ibinibigay para mabawasan ang asido sa tiyan, bawal din ang biglang paghinga pagkatapos kumain.Tumayo muna at maglakad makakatulong din kung hindi tayo magpapakabusog at luwagan din ang sinturon para hindi maipit ang tiyan.
5. Side effect ng gamot- may mga gamot sa altapresyon. tulad ng Ace0 inihibotrs na puwedeng magdulot ng pag uubo sa 10% ng pasyente. ito ay ang mga gamot sa enalapril. captoril at lisonopril itanong muna sa doktor kung kailangan palitan iyong gmaot,
6. Pulmunya o bronchitis - puwede din magdulot nga pag uubo ang mga impeksyon sa baga, Antibiotics ang gamot dito.
7. Post-infectious cough -Minsan, pagkatapos gumaling mula sa trangkaso o viral infetion, may naiiwan pa rin pag uubo. ito'y dahil naiirita o nasugat ang baga sa dating impeksyon, binibigayn sila ng cough suppressant,
Bukod sa mga nabanngit na sakit , mayroo ding ibang mga posibilidad tulad ng tuberculosis, kanser sa baga at iba pang mga sakit ng baga para makasiguro kumonsulta sa iyong doktor.
Ang ubo ay puwedeng dahil sa trangkaso (flue) sipon allergy, sigarilyo pulmonya (pneunomia) namamagang tonsils at tuberculosis. sa mga sakit na ito ang pulmonya at tonsilitis ay nanganagailnagan inuman ng antibiotic. ang tuberculosis naman ay ginagamot sa loob ng 65 na buwan.
Subalitm para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, Heto ang dapat gawin.
1. Uminom ng 8 hanggang 10 baso tubig. Pinapalabnaw ng tubig ang madikit na plema.
2. Uminom ng mainit na salabat o sabaw ng manok, ang pag inom ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag ng mga tubi natin sa baga.
3. Itigil ang paninigarilyo. umiwas sa mga bisyo.
4. Uminom ng Vitamina C para lumakas ang ating immune system.
5.Uminom ng tsa-a na may honey at lemon Maisa ang honey sa pagkalma ng naiiritang lalamunan, Ang lemon ay may vitamin C.
6.Umiwas sa nakaka-allergy na bagay. Maraming ubo ay allergy ang dahilan. Puwedeng magka allergy sa usok. sa balahibo. ng pusa at aso, sa matapang na pabango, at sa pollen mula sa halaman.
7. Gamot para sa ubong may plema, Puwedeng uminom ng mga gamot tulad ng carbocisteine, ambroxol at lagundi para lumaabnaw ang plema . ngunit huwag ganoong umasa sa mga ito. Tubig parin ang mabisa.
8.Gamot para sa tuyong Ubo (Dry cough) Para sa nakakaistorbong ubo puwedeng uminom ng butamirate citrate o dextromethorphan syrup. Kung allegy naman ang dahilan ng ubo, Puwede ang diphenhydramina,,
9. ilalabas ang sipin kung ikaw may sipon suminga ng madalas para hindi tumulo ang sipon sa iyong lalamunan na puwedeng magdulot ng pag ubo.
10. Umiwas sa mausok na lugar. Puwedeng sumakay sa mga air-con na bus at jeep. huwag din gaanong maglakad sa lansangan umiwas sa mga taong naninigarilyo
11lumanghap ng mainit at basang (moist) hangin pinapaluwag nito ang plema sa ating baga, Puwede ka rin manatili sa banyo kung saan dumadaloy ang mainit na shower o gripo. Ang usok nito ay nagpapalabnaw ng iyong plema. isang paraan ay paglanghap.ng mainit na usok ng tubig sa ibabaw ng palangana o kaldero.
12. Tignan kung may iniinom kang gamot tulad ng Ace-inhibitor ay mga gamot nagtatapos sa salitang pril tulad ng imidapril enalpril; at iba pa. itanong sa iyong doktor.
13.Gumamit ng 2 unan sa gabi. Kung may allergy ka o sipon . makakatulong ang paghinga na medyo mataas ang iyong ulo.,
14.gamutin ang pangangasim na sikmura. puwede ding magdulot ng pag ubo ang asido na galing sikmura.
15. Magpabakuna laban sa flu at pulmonya kung ikaw'y lampas sa edad 60
16. Umiwas sakit. Kung ika\y may mga sakit na, tulad ng altapresyon at diabetes, umiwas sa nakakapagod na gawain at pagpunta sa mausok na lugar,
17. Magpahinga at matulog ng mahaba. Ito ang pinakamabisang payo sa lahat para makarecover ang iyong katawan.
ano po ba gamot sa dry cough na my tonsil
TumugonBurahin