Huwag magpakabusog
Bakit masama ang sobrang pagkain?
Ang pagkain ng labis ay nagdudulot ng masamang epekto dahil nahihirapan ang ating katawan na tunawin ito, Dodoble ang trabaho ng iyong atay, lapay (pancrease)bato at puso dahil sa sobrangpagkabusog. Tataas din bigla ang asukal sa dugo (bloof sugar) kapag labis ang kinakain mong karne, marami ding dumi (na kung tawagin ay free radicals') ang ilalabas ng mga ganitong pagkain.kaya ipinapayo ng eksperto ang pagkain ng high nutrient at low calorie diet Ang ibig sabihin ay mataas sa nutrisyon ang iyong dapat kainin pero mababa naman sa calorie. Para matupad ito, subiukang kumain ng mas maraming gulay. isda, prutas, beans, aat soy products(tofu, taho, tokwa)
bawasan ang pagkain ng karneng baka at baboy, matamis na inumin at matatabang pagkain. medyo limitahan din ang pagkain ng kanin (mga kalahati o 1 tasang kanin lang bawat kainana)Pero damihan ang gulay at prutas kung mababawasan ng 10%ang iyong kinakain ay puwede na.
Ang isa pang payo ay ang pagkain ng 5 hanggang 6 nba beses sa isang araw, pero pakonti-lonti lang. Ang isang saging , mansan o pan-de-sal ay puwedeng pang meryenda na, Sa ganitong paraan dahan- dahan din ang pagpasok ng nutrisyon sa katawan. mas maginhawa ito sa mga organo ng ating katawan. at marahil ito ang dahilan kaya humahaba ang buhay ng mga taga -Okinawa. gayahin natin sila at huwag magpakabusog.
18 pagkain Pampapayat at 7 nakakataba
may mga pagkain na bagay sa mga taong nag di-diyetyta dahil bukod sa mababa ito sa calories, masustansya.
Heto ang ating listahan
1.Gulay at ensalada. Mataas sa fiber ang gulay at nakakabusog.
2.Suha at grapefruit, may taglay na acid na nakakabagal ng digestion
3.Mansanas. may pectin na nakakababa ng kolesterol.
4.Peras, Mas mayaman sa fiber kumpara sa mansanas
5.Itlog. magndang almusal at nakakabusog,
6.Saging. masustanyan at may tulong sa mga ulcer at nag e-hersisyo
7. Beans, mayaman sa protina at bitamina.
8.Suka. ang pag-inom ng isang basong tubig na may 2 kutsaritang bago kumain ay nakakapayat. magingat lang kung ika'y hyper-acidic.
9Tofu at tokwa. mabuti ito sa ating puso at buto.
10.Green tea, nakakabawas ng taba sa atay(fatty liver)
11. Brown rice at wheat bread, makakaiiwas ka sa diabetes, ayon sa harvard School of public Health,
12, High-fiber cereals. mas healhty sa katawan at nakakapapayat din.
13, matabang isda tulad ng tilapia, sardinas, mackerel at salmon,
14.Low-fat milk at yogurt, mas mabab sa taba kumpara sa regulas na gatas.
15. Oatmeal, Nakababa ng kolesterol sa katawan,
16.Manok at turkey na walang balat, pinakamababa ito sa taba kumpara sa karne,
17. laman ng karne paminsan- ,minsan tanggalinang lahta ng taba sa karneng baboy at baka bago lutuin.
18. Tubig, Ang pag inom ng tubig bago kumain ay nakakabusog , Ang tubig ay walang calories at hindi nakakataba
Heto naman ang listahan ng7 pagkain nakatataba ng dapat nating limitahan
Ang mga pagkain ito ay nailahala na maraming organisyon tulad ng American Heart Association at americn diatetic Association, na nakakataba
1 Pritongpagkain(fried foods) dahil mataas ito sa taba at mantika
2. Donuts at pastries dahil mataas sa calories at asukal.
3. Candy, chocolare at cake, mataas ito sa asukal at calories
4. matamis na juice at softdrinks dahil mataas ito sa asukal.
5. Potato chips at french fries dahil nilubog ito sa mantika at maraming asin,
6. Bacon, Hot dogs at sausage dahil mataba ito at may halong preservative,
7. hamburgers dahil mataas sa taba.
Dagdag payo para pumayat. subukang kumain ng 5 o 6 bese sa isang araw pero pakonti konti lamang , ang isang mansanan o saging ay puwedeng meryend na, kaya piliin na nating ang mga nasabing healthy food na nakakapayat pa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento