Piliin Ang Isda kaysa Karne
Ang Pagkain ng isda makakatulong sa pag iwas at pagpapagaling ng maraming sakit tulad ng:
1. Asthma o hika- ang mga batang mahilig sa isda ay mas hindi hinihika.
2.Para sa utak at mata - Ang isda ay sagana sa omega- 3 fatty acids na mabuti sa ating utak at retina (likod ng mata)
3.Kanser- may tulong ang omega-3 fatty acids sa pag iwas sa maraming kanser tulad ng kanser sa suso, obaryo, prostate, bibig at lalamunan.
4. Sakit sa puso- Ayon sa American heart Association, ang pagkain ng isda ng 3 beses sa isang linggo ay nakakabawas sa sakit sa puso at mataas ng kolesterol ng . Ang isda ay talagang para sa puso,
5. Pagkaulyanin o dementia- Para huwag magkaroon ng Alzheimer's diese
ase, kumain ng isda., kung gustong tumalino ang mga bata. kumain din ng isda.
6. Pagkalungkot- Ang mga mahilig kumain ng isda ay mas hindi nadedepresed, dahil na din sa napakasustansyang omega-3 fatty acid.
7.Diabetes- Mas nako-kontrol ang blood sugar ng mga diabetic kapag isda ang kakainin nila. Ipalit ang masustansya taba ng isda sa masamang taba ng baboy at baka.
8.Arthritis at psoriasis - Nakakakabawas ng sintomas ng arthritis ang regular ng pagkain ng isda.
Ngunit Mayroon ding mga dapat ingatan sa pagkain ng isda.
1. mag ingat sa kontamisyon ng mercury, may mga isda na nakakain ng dumi at polusyon sa dagat na makakasama sa ating kalusugan, at ang mercury ay masama sa buntis at sanggol. dahil dito mas piliin ang maliliit na isda na wala pang 12 pulgada (12 inches o 1 foot ) ang haba
2. Puwedeng magkaroon ng bad breath kapag makansang isda ang iyong kinakain.
3. puwede kang matinik kapag hindi maingat.
4.Isang paalala: mag ingat sa seafoods. lalo naang tahong at talaba. kaunti lang ang kainin at baka malason tayo sa red tide. Sa pangkalahatan, mas marami parin benipisyo sa pagkaion ng isda kumpara sa peligro nito kumain ng isda para sa ating kalusugan.
Ano Ang mas Healthy: Baboy baka O Manok?
kailngann ng katawan natin ang protina. Pero saan ba tayo makakakuwa ng masustansya protina na hindi masyadong mataba? kadalasan , mas mababa sa taba ang mga hayop na 2 paa kumparea sa 4 na paa tignan natin.
Hayop na 2 Paa:
Ang manok at turkey ay may 2 paa at ligtas ito kainin.mababa ito sa taba at puwede sa mga nagdi-diyeta.Puwede tanggalin ang balat ng manok kung mataas ang iyong kolesterol.mas healthy ang pecho ng manok (breast) bawasan ang paglagay ng gravy na sawsawan. sa paraan ng pagluto, mas mainam ang pag beyk at pag ihaw.
Hayop na 4 Paa:
Mas mataas ang baboy at baka sa saturated fat o masamang taba, Ang baboy ay may 4 na paa at sadyang puno ng taba. Ang mga T-bone steaks at rib-eye steaks ay mas maraming taba, kumpara sa mga parte na siloin at round beefs.
TIPS: sa baboy , nakahiwalay ang taba sa laman kaya mabilis ito tanggalin sa karneng baka naman, nakasingit ang taba sa gitna ng laman kaya mahirap alisin
Dagdag payo:
Puwede naman kumain ng karne mula sa hayop na 4 ang paa (Baboy, baka) pero gawin lang ito ng 1 o 2 beses kada linggo.ang manok pede kainin madalas . kung may sakit ka sa puso, mataas sa kolesterol o may lahi ng stroke piliin ang karneng mula sa hayop na may 2 paa kumpara sa 4 na paa. Pero kung gusto ninyo maging malusog, piliin na lang ang hayop na walang paa at may kaliskis. siyempre , ito ang mga isda, tulad ng sardinas tilapia at bangus ng punong -puno ng omega-3 fatty acids, ang tinatawag na goof fats.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento