Hilo Ano dahilan?
Lahat ng tao ay nakaranas ng pakahilo paminsan minsan. ang hilo ay sinasabing parangumikot ang paligid. ang may edad ay mas nakaranas ng pagkahilo at problema sa balanse sa paglalakad sila alalayan para hindi matumba.
Pangkaraniwang dahilan pagkahilo.
Kapag tayo'y bigla tumayo sa kama o mula sa isang nakakayunkong posisyon puwede tayong mahilo. Ayon sa mga neurologist, hindi ito delikado. ang tawag dito ay postural hypotension.
Ang panlalabo ng mata ay madalas ding dahilan ng pagkahilo.kumunsulta sa isang optoemerist (nasa tindahan ng salamin sa mata)at magpasukat ng salamin sa mata. kapag ikay' gutom na puwede ka rin mahilo. magbaon ng tinapay o saging para hindi gutumin. Ang pagbabago ng panahon ay puwede makahilo, lalo na kung ika'y galing sa mainit na lugar at papasok sa malamig na kuwarto. may taong nahihilo kapag sumasakay sa kotse. eroplano o barko. motion sickness ang tawag dito. Ngunit ang pinakamadalas na dahilan ay ang problemas sa loob ng tainga(inner ear problem) Ang tawag dito ay vertigo. Nagsisimula itong problema sa pagkakaroon ng sipon o trangkaso. kung saan naiimpeksyon din ang loob ng tainga. matagal itong gumaling at minsan ay umabot sa2-3 linggo ang pagkahilo. Puwede kang uminom ng meclizine tablet (bonamine)
Kailan dapat komusulta sa dokto?
May mga dahilan ng pagkahilo na dapat makita ng doktor. kaialangan makuha ng doktor ang iyong blood pressure at pulso. kapag mataas ang blood pressure sa 140 over 90, puwede itong madulot ng pagkahilo. kapag masyadong mababa ang blood pressure (mga 90 over 60 o mas mababa pa)puwede karin mahilo. Kapag hindi regular ang pulso, anemic, may diabetes o goiter, kailangan din magp[atingin sa doktor. ang istrok ay isang pagbara sa utak na bukod sa pagkahilo ay may kasama ding pamamanhid ng isang bahagi ng katawan o pagakbulol, bukod dito, may mga gamot din ang side effect ay pagkahilo itinanong ito sa iyong doktor. at kung ikaw ay nawalan ng malay, kailangan na itong ipasuri sa doktor.
Hilo o Vertigo Ano ang solusyon
Ang pinakamadalas na dahilan ng hilo ay ang problema sa loob ng tainga (inner ear problem)Ang tawag dito ay vertigo. Mararanasan ito pagkatapos ng sipon o trangkaso. matagal itong gumaling at minsan ay umaabot sa 2 hanggang 3 linggo ang pagkahilo
Heto ang Ating mga payo.
1.Kapag matindi ang pagkahilo,umupo sa isang tabi at huwag munang gumalaw, kung pakiramdam mo ay aatake ang iyong hilo, huwag malikot dahil baka lalo ka lang mahilo.
2. Kung hindi naman grabe ang iyong pagkahilo, ituloy lang iyong normal gawain. maglakad at mag ehersiyo. gusto nating mapanatili ang lakas ng iyong katawan para hindi kayo mabilis matumba,
3.humawak sa isang matatag na bagay sa tabi mo,kapag nahilo ka, nalilito ang iyong utak kung paano mag balanse. Ang paghawak sa isang silya o mesa ay makapagpabawas. sa inyong hilo.
4.Dahan dahan lang sa pagtayo mula sa iyong kama, sa umaga siguraduhin gisisng na ang iyong tuhod at matuba ka, Umupo muna sa isang minutio bago tumayo.
5. kung ang hilo mo ay dahil sa biglang pagtayo, galaw-galawin ang iyong hitaat paa. ito'y para manumbalik ang sirkulasyon ng dugo sa iyong katawan.
6.Magsuot ng flat na sapatos. huwag magsuot na may takong (high heels)dahil mahihirapan ka mag balanse. mainam ang rubber shoes para para matatag ang iyong paglalakad.
7. Magdala ng flashlight habang naglalakad sa gabi, kailangan mo ng sapat na ilaw para hindi madapa.
8. Huwag maglakad sa ibabaw ng carpet. kapag makapal ang carpet mahihirapan ang iyong katawan mag balanse.
9. Maglagay ng mga hawakan sa banyo . magsapin din ng gomang tapakan sa banyo para hindi ka madulas.
10. Bawasan ang alat at asin sa iyong pagkain . kapag mahilig ka sa maalat,puwedeng dumami ang tubig sa iyong katawan at pati narin sa loob ng tainga, Minsan ay nagdudulot din ito ng pagkahilo.
11. umninom ng salabat. Ang luya at mainit na tubig(salabat) ay napakabisa laban sa hilo. subukan ito
12. Puwede din uminom ng gamot tulad ng meclizine 25 mg tablet (bonamine) Ayon sa pagsusuri , kasing bisa ito ng salabat
13. huwag uminom ng alak, kung nahihilo ka na ay huwag ng magpakalsing pa. doble disgrasya iyan,
14. Uminom ng 8 hanggang 10 basi tubig, kapag kulang ka sa tubig puwede bumaba ang iyong blod pressure.
15.Matulog ng 7-8 oras sa gabi. Ang sunod sunod na pagpupuyat ay magdudulot ng pagkahilo.
16.Magbawas ng stress. Ang taong ninerbiyos ay madaliding makaramdam ng pagkahilo. Magrelax at huminga ng malalim at dahan dahan ng 7 beses.
17. Subukang pisil-pisilin ang balat sa pagitan ng mata, Isa itong acuppresure point na puwedeng makaginhawa sa iyo,
18. suriin ang iyong gamot. May mga gamot na puwedeng maging sanhi ng pagkahilo, tulad ng aspirin at iba oa, kumonsulta sa iyong doktor para mapayuhan ka, goodluck po
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento