Iwas sa bad Breath
Maraming tao ang may bad breath. Minsan nahihiya tayong magsabi sa ating kamag anak o kaibigan na may bad breath sila. Alamin natin ang solusyon dito,
1 Huwag kumain ng maraming bawang, sibuyas at sili, nananatili ang amoy ng mga ito (galing sa essential oils) sa loob ng bibig ng 24 oras. kahit anong sipilyo mo ay nandoon parin ang amoy . sumipsip ng calamnsi para mabawasan ang amoy.
2 huwag manigarilyo. Mabaho ang hininga ng mga naninigarilyo at parang nakaamoy ka ng isang ashtray.
3. Umiwas sa spiced meats tulad ng pepperoni, salami at longganisa. mayroon kasing maamoy na mantika na lalabas sa iyong pagdighay at hininga sa loob ng 24 oras.
4. Umiwas sa mabaho o malansang isda. May isdang tulad ng bagoong, alamang o bangus na matagal maalis ang amoy sa ating hinhinga, Pumili nalang ng ibang isda.
5. Tubig lang ang dapat inumin. Ang kape, beer, alak at whisky ay nasa listahan ng maamoy na inumin. . nag iiwan ang mga ito ng residue (Parang latak) sa ating bibig at sikmura.
6. Magmumog ng madalas . kung wala kang pagkakataong magsipilyo, magmumog ng maraming beses pagkatapos kumain . mababawasan din ang mga sumisingit na pagkain sa ngipin.
7. Magbaon ng sipilyo. Pagkatapos kumain , mag brush ng ngipin para matanggal agad ang amoy. Magsipilyo. ng 3 beses sa maghapon o pag katapos kumain.
8.Gumamit ng tongue cleaner, Ito'y isang plastic na panlinis ng dila . maraming bacteria at dumi ang maalis sa paggamit ng togue cleaner. mas epektibo ang tongue cleaner kaysa sa pag brush ng dila na gamit ang sipilyo.
9.Gumamit ng dental floss. maraming dumi at tinga (Plaque) ang sumisingit sa ating ngipin, kapag hindi ito naalis ay mangangamoy bulok ito. mag-floss kahit isang bese sa gabi.
10.Gumamit ng mouthwash kung may bad breath ka, may tulong dind ang paggamitng mouthwash. maganda itong gamitin bago matulog,
11.magpatingin dentista. Ang bad breah ay kadalasan nanggagaling sa nakatagong impeksyon sa bibig o sa gilagid. minsan ay may sira pala ang iyong ngipion.
12. Kapag hindi parin mawawala ang bad breath, kumonsulta sa isang doktor na espayalista sa tiyan (gastroenterologist) o ear nose throat (ENT doctor.) Puwedeng manggagaling sa loob ng ating lalamunan o tiyan,
Huling tips
kung ika'y nagmamadali, puwede din naman ang mga chewing gum na mint flavor. Ngunit panadalian lang ang epekto nito at tinatqakpan lang ng amoy, iwaksi ang bad breath.
Alisin ang Body Odor
Naku! may kakilala ba kayong may body odor o yung may amoy ang katawan? Ang mabahong amoy ay nagmumula sa naghahalong pawis at bacteria sa katawan ngunit huwag mag alala dahil mayroon tayong mga tips para matanggal ito.
1.maligo araw- araw. sabunin at kuskusin ang buong katawan, lalo na ang mga lugar na madalas mangaoy.
2.Hugasan ang kili- kili at paa ng 2 beses sa isang araw, ibang klase ang pawis na lumalabas sa mga lugar na ito kaysa mas maamoy kaysa sa ibang parte ng katawan.
3.Gumamit sa sabon. pumili ng sabon na babagay sa iyo. Puwedeng subukan ang anit- bacterial na sabon tulad ng safeguard.
4. Maglagay ng kontra sa pawis o antiperspirants sa kili-kili Puwedeng ang mga tawa, roll- on, baking soda, at iba pa. Hanapin kung ano ang mga epektibo para sa iyo.
5.Subukan ang alcohol sakili-kili at paa, kapag napatay ng alcohol ang mikrobyo, mababawasan din ang amoy.
6. Umiwas sa pagkain spicy at maanghang . umiwas din sa mga bawang sibuyas, curry at maamoy na isda. Alam ba niyong. na ang mga pagkain ito ay lumalabas din sa ating pawis? kung mahilig ka sa sawsawang sili, suka, patis at bagong, baka mangamoy ka rin.
7. Uminom ng 8n hanagang 10 basong tubig, para luminis ang iyong katawan.
8. Magsuot ng cotton at linen na baro. pantalon at underwear. mas mabilis matuyo ang pawis sa cotton at linen na tela . umiwassa mga naylon na baro . mas mainam din kung maluwag ang kasuotan.
9.Labhan maigi ang iyong damit. magpalit ng baro. pantalon at medyas araw-araw. kapag mabango ang iyong baro, mas hindi ka mangangamoy huwag ulit-ulitiun ang suot.
10. Huwag masyadong magpapawis. Kung alam mong may meeting ka sa hapon, huwag nang mag eherisyo o dumako s maiinit na lugar sa umaga. kapag piunawisan ka ay mangangamoy na. magbaon ng extrangng baro at medyas.
11. Magrelax lang , kapag kinakabahan ka, lalo kang papawisan.
12.Magpakonsulta sa doktor kapag may body ododor parin . may mga espesyal na deodorant na binibigay ang mga doktor . kailangan din masuri ng doktor kung may iba kang sakit o talaga mapawisin ka lang goodluck po.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento