Sakit Sa Dibdib/ Atake sa puso na ba ito?


bilang isang espesyalista sa puso , sari saring sakit sa dibdib ang kinokonsulta sa akin. Sa aking palagay, 80%ng mga sakit sa dibdib ay walang kinalaman sa puso, Paano ko nalalaman na hindi sa puso ang problema?Nahuhulaan ito ng doktor sa pagkukuwento ng pasyente sa kanyang nararamdaman.
Kung sakit mo sa dibdib ay parang may tumutusok, hindi iyan sa puso, kung ang sakit ay nasa kanang bahagi ng dibdib hindi rin yan sa puso. kadalasan ay nagmumula sa masel ng dibdib ang pagkirot , baka natulog ka sa matigas na higaan, Baka nadagdaganan ni mister, Baka nagbuhat ka ng mabigat at nabant ang laman. Ang malakas na pag-ubo ay nagdudulot din ng sakit sa dibdib. Ang solusyon dito ay pahinga lamang. puwedeng umino ng paracetamol o mefenamic acid kapagg makirot talaga, May iba pang paraan para masuri kung galing sa puso ang pananakit una, kaya mo bang ituro ng isang daliri ang pananakit sa dibdib? kapag naituro ito ng pasyente hindi na iyan sa puso, ang sakit sa puso ay hindi naituturo ng isang daliri. Pangalawa, gaano ba katagal sumasakit ang iyong dibdib?kapag wala pang isang minuto ang sakit o kaya ay lampas sa isang oras ang kirot, siguradong hindi rin iyan sa puso . ang tunay na sakit sa puso mula 5 minuto hangang 15 minuto lamang. Paano ba talaga ang sakit na nagmumula sa puso?Ang tunay na sakit sa puso ay sinasabing mabigat at parang may nakadagan sa dibdib. Ang sakit ay tumatagal ng 5 hanggang 15 minuto. dumarating ang sakit kapag napapagod  naglalakad  ng malayo o umaakyat ng hagdan.
sino ang madalas magkaroon ng sakit sa puso? ito ay ang mga kalalakihan, mula 50 ang edad pataas, kung ika'y may katabaan, may diabetes,  o may lahi ng sakit sa puso, malaki ang tsansa na baka sa puso nga ang diprensya. sa ganitong sitwasyon , magpatingin sa doktor. Pero kung wala ka pang edad 30 , lalo na kung kababaihan, halos sigurado ako na hindi sa puso ang iyong problema, huwag mangamba, magpacheck sa isang doktor kinakailangan.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post