Huwag magpataba


Paraan para pumayat
Ayon sa isang local survey 40% ng mga kababaihan ay overwight o sobra sa timbang. Samantala 15%lang ng kalalakihan ang mtaba. bakit kaya?Ito\y marahil ang mga nanay ay kinakain ang tira ng mga anak.pano malalaman kung mataba ka o hindi?isang simpleng paraan ay ang pagsukat ng tiyan. Ayon sa pagsusuri sa Asia, ang dapat na sukat ng tiyan  (sa pusod ang sukat ay hindi sa baywang) ay 36 inches sa lalaki at 31 inches sa babae. kapag lumampas ka dito, medyo hindi na healthy ito. kailangan na magpapayat dahil baka magdulot ito ng diabetes, arthritis at sakit sa puso.
Heto ang mga tips para pumayat
1 Magbawas ng 100-200 calories bawat araw. magagawa mo ito kapag iiwas ka sa softdrinks at ice tea. magtubig ka nalang. Zero calories ang tubig puwede mo din bawasan ang iyong panghimagas. gawin mo ito at siguradong papayat ka.
2. maging magalaw o malikot. habang ika'y naglalakad, igalaw mo angiyong mga braso, habang may ka tet, i marcha mo ang iyong mga paa. sa ganitong paraan makababaas ka ng 200 calories bawat araw.
3. gumamit ng maliit na plato, iyong 9 inche lang ang sukat, kapag maliit ang plato, maki-kondisyon ang iyong isipan na konti lang ang kakainin. isa pa wala nang pa-dukot -duot pa ng dagdag pagkain, kung ano  ang nasa plato  mo iyun lang ang kakainin.
4. Uminom ng 1 basong tubig bago kumain. dahilnakakabusog din ang tubig , mas konti lang ang makakain mo.
5.Piliin ang masasabaw na pagkain. mas mabubusog ka sa mga  matubi na pagkain. umorder ng arroz caldo, huwag chicken at rice, kumain ng pakwan huwag ang mangga.
6.Magbawas ng kanin, kung dati ay 2 tasa ka ng kanin, gawin na lang 1 tasa. kung 1 up rice dati, gawin mo na lang half-cup rice. nakakataba kasi ang kanin mas maigi pa ang spaghetti o noodles.
7.kumain ng madalas pero pakonti- konti lang. huwag kakalimutan ang agahan. Ang sikreto dito ay konti lang ang iyong kakainin sa meryenda puwedeng 1 saging o mansanas lang, sa tanghalian at hapunan. puwedeng 1 cup rice, gulay at isang ulam lang. huwag intayin ang sobrang gutom bago kumain dahil mapapadami ang iyong makakain.


8.Masama ang Crash Diet o iyung biglang ginugutom ang sarili, kaya mo itong gawin 3 araw, pero pagkatapos babawi na ang iyong katawan.babalik din ang dati mong timbang. Ayon sa pagsusuri, ang crash diet ay napapaigsi ng buhay 5 years, ang tamang pagbabawas ng timbang ay 1-2 libra(pounds) lamang bawat linggo.
9.Kumain ng mga gulayat prutas na maraming fibe tulad ng pechay, kangkong, okra, ampalaya,carrots,mansanas, peras at saging, mabilis makabusog ang mga pagkain mataas ang fiber, hindi pa ito nakakataba.
10.Dalawa lang ang bawal. matatamis at matataba. umiwas sa matatamis na pagkain tulad ng icing cake. Halo-halo at mga juice na nasa lata. magbawassa karneng baboy at baka maraming taba ito lang talaga ang bawang
11.Umiwas sa junk foods, huwag mag stock ng sitsirya sa bahay, turuan ang mga batang kumain ng saging o mansanas kapag nagugutom. mataas sa asin at walang sustansya ang sitsirya
12. sa fast food subukan ang kenny Roge'rs  roast chicken at bodhi vegetarian food, ang roasted chicken ng kenny rogers rost chicken at bodhi  vegetarian food ang roasted chicken ng kenny rogers ay natanggalan na ng mantika, paborito ko iyan healthy din ang vegemeat at gulay sa bodhi nakakabusog at mababa sa calries.
13.Puwedeng uminom ng multivitamin kapag nag-diyeta kung walang pera, kumain ka ng 2 saging bawat araw, maraming vitamins na iyan.
14. bumili ng timabangan. mura lang timbangan mga P300 lang. alamin ang iyong timbang kada 2 araw, kapag tumaas ang iyong timbang ituloypiliting mag diyeta agad, kapag bumababa na ang timbang, ituloy lang ang iyong ginagawa para mapanatiling mababa ang timbang. kailangan mo ng tiyaga at lakas ng loob para pumayat. goodluck.

Mga Komento

Kilalang Mga Post